SURIGAO CITY – Pormal na inilunsad ng provincial government ang “Puhunan sa Pag Asenso” na naglalayon na makatulong sa mga kapus-palad na residente ng Surigao.
Ayon kay Surigao del Norte Gov. Sol. F. Matugas, makikinabang sa nasabing proyekto ang mga miyembro ng lehitimong kooperatiba ng probinsiya na nangangailangan ng financial assistance o puhunan para makapagsimula ng maliit na negosyo.
“This will surely help Surigaonons, especially beginners who are in need of financial assistance or capital to start up a small business for additional source of income for their families,” ani Matugas “We’re bringing this project up to the far-flung communities in the province.
Free enterprise is the heart and soul of a fast-growing economy.” Iginiit naman ni Matugas na ang makikinabang sa pondo ay mga responsableng indibidwal na makikisama tungo sa pagtataguyod ng maayos at tahimik na kapaligiran.
“Just like a bonafide member of any accredited organization, in order to keep a sound credit standing, you must do the right thing, regularly pay your dues and maintain a good behavior,” dagdag ni Matugas. (Mike U. Crismundo)