Inutusan kahapon ang mga barangay sa Maynila na magsumite ng listahan ng mga hinihinalang drug users sa kanilang lugar para maisama sa rehabilitation program ng pamahalaang lungsod.
Sa kanyang memorandum kay Arsenio Lacson, Jr., hepe ng Manila Barangay Bureau (MBB), sinabi ni Mayor Joseph Estrada na kailangan ng city government ang listahan ng mga kilalang drug dependents sa 896 barangay para mabigyang daan ang counseling and rehabilitation program para sa mga drug users na gustong magbagong buhay.
“Our biggest challenge is to treat the drug users, who are also victims of this drug problem. We cannot win the war against drugs if we don’t help the drug dependents first,” pahayag ni Estrada.
Inatasan ni Estrada si Lacson na ihanda ang status report ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) na nagpapakita ng mga listahan ng drug users na dapat sumailalim sa counseling and rehabilitation program.
Inutusan din ang barangay chairman na magbigay ng report sa Office of the Mayor tungkol sa estado ng kasalukuyang kampanya laban sa droga sa kanilang nasasakupang lugar. (Betheena Kae Unite)