OLONGAPO CITY – Guilty ang hatol ng Branch 75 ng Olongapo City Regional Trial Court sa anim na suspects na sangkot sa umano’y drug laboratory sa Sta. Monica Subdivision, Subic, Zambales. Sa court decision na inilabas kahapon, guilty sina Albert Chin, alias “Robert Chin,” at Romeo Manalo matapos mahulihan ng 1,001.9 grams ng shabu o methamphetamine hydrochloride. 432.234 kilos naman ang nasabat sa kasabwat nito na sina Joselito Escueta, Coronel Disierto, Emmanuel Tobias, at Dennis Domingo.
Nadakip ang grupo noong August 2013 sa loob ng isang tahanan sa Block 10, Lot 5, Jasmine St., Sta. Monica Subdivision. Sina Chin at Manalo ay nadakip habang binabaybay ang Subic-Clark-Tarlac Expressway sakay ang isang Toyota Innova.
Tiklo naman sina Escueta, Disierto, Tobias, at Domingo sakay ng isang Nissan Urvan malapit sa laboratory kung saan sakay ng mga ito ang 432 kilos ng shabu. Pinagbabayad din ang grupo ng halagang R1 million at nahatulan ng habang buhay na pagkakabi-langgo. (Jonas Reyes)