MARAWI CITY – Sa hangarin na paigtingin pa ang laban kontra droga, tatapikin ng awtoridad ang mga out-of-school youths (OSYs) upang maging kasangga sa naturang programa.
Sa ngayon ay mahigit 317 OSYs na ang kasama sa programa ng Lanao del Sur kung saan dumaan ang mga ito sa network-building efforts.
Ito naman ang opening salvo ng orientation seminars na pinamumunuan ng capitol complex sa pangunguna nina Governor Soraya Alonto-Adiong, police director Senior Supt. Agustin Tello at officials ng Philippine Drug Enforcement Administration (PDEA).
“Be sure to shun illegal drugs because these steal chances for better future away from you. You must be catalysts against the social menace, not victims,” ani Gov. Adiong.
Iginiit pa ni Adiong na ang kanilang determinasyon sa pagsugpo ng illegal drugs ay kasing-init ng programa sa national level na sinimulan na ni Pangulong Rodrigo Duterte.
“Like our President Rodrigo Duterte, I hate illegal drugs and I will do everything in my power to protect you from this menace. We need the youth to work with the government in building a peaceful, healthy and drug-free society,” dagdag ni Adiong.
Ito naman ang pagkakataon para sa mga OSYs ng probinsiya na maging makubuluhan ang kanilang presensya sa kabila ng hindi pagkakaroon ng pagkakataon o pagtalikod ng ilan sa mga ito sa pagkakataon na makapag-aral.
Kamakailan ay naglabas si Duterte ng listahan ng mga hinihinalang illegal drug coddlers buhat sa hanay ng pulisya, militar at pulitika.
Ilan sa mga ibinunyag ni Duterte ay nasa Lanao del Norte maging sa siyudad na ito. (Ali G. Macabalang)