Magbibigay ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ng libreng sakay sa bus para sa mga mag-aaral nito simula ngayong Lunes. Gagamitin ng unibersidad ang dalawang bagong bus na ibinigay ng pamahalaang lungsod para magamit sa biyahe ng mga mag-aaral papunta sa campus mula sa mga itinalagang lugar ng sakayan.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, dahil sa libreng bus ride, magagamit ng mga mag-aaral ang kanilang pamasahe sa mas importante nilang pangangailangan. “This is just a simple gift from the city government to motivate them to study hard so that they’ll become responsible citizens in the future,” pahayag ng alkalde. Sinabi ni Dr. Maria Leonora De Jesus, PLM president, na ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng libreng transportasyon para sa mga mag-aaral ng PLM. (Betheena Kae Unite)