Tinatayang nasa P370 million ang nasirang ari-arian at pananim sa Batanes na binayo ni bagyong “Ferdie” (international name “Meranti”) nitong nakaraang linggo.
Sinabi ni Mina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction Management Council, na walang kuryente ang lalawigan dahil karamihan sa mga poste ay itinumba ni Ferdie.
Dahil sa mga natumbang poste, aabutin ng isang buwan bago maibalik ang serbisyo ng kuryente sa Batanes. “It will take about a month before the power supply in Basco, Batanes, can be restored,” sabi ni Marasigan.
Mahigit 1,100 namang bahay ang partially at totally damaged dahil kay Ferdie sa Batanes, ani Marasigan.
Idinagdag ni Marasigan na ayon sa mga residente, si Ferdie ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Batanes. “According to long-time residents in Batanes, Ferdie by far is the strongest typhoon to hit the province in recent memory,” ani Marasigan.
Wala namang naiulat na namatay dahil sa bagyo sa Batanes.
Magpapadala naman ng mga sundalo ang Armed Forces Northern Luzon Command upang tumulong sa pagsasaayos ng Batanes. (Francis T. Wakefield)