Ilulunsad ngayong araw na ito ng Simbahang Katoliko ng Pilipinas ang isang prayer campaign na tatawaging “A Million Roses for the World”.
Gaganapin ang paglulunsad ng prayer campaign sa San Juan de Letran Chapel sa Intramuros, Manila. Ito ay naglalayon na himukin ang mga mananampalataya na bigkasin ang limang misteryo ng Rosaryo mula Setyembre 20 hanggang December 23.
Ang bawat misteryo ng Rosary ay ilalaan para sa katapusan ng mga karahasan, para magkaroon ng kapayapaan, para sa OFWs, sa mga Kristiyanong inuusig, at para sa espesyal na intensyon ng isang partikular na lalawigan.
“We have forgotten to pray. We have neglected to pray. We have been too busy with ourselves building our towers of Babel,” pahayag ni Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines.
“Let us pray for the whole nation. Let us pray as a united nation,” dagdag pa niya. Sa panahong ito na sugatan ang sambayanan dahil sa socio-cultural at political issues, hinihimok ng leader ng CBCP ang bawat isa na maging “warriors of prayer.”
Patikular na nanawagan si Villegas sa mga Catholic school, parokya, kumonidad at pamilya na lumahok sa kampanya ito. (Leslie Ann G. Aquino)