Makakatanggap ang anti-drug law enforcers, partikular na ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), ng pabuya sa ilalim ng “Operation:
Lawmen incentive program’’ sa tuwing magtatagumpay sila sa operasyon laban sa droga. Sa ilalim ng “Operation:
Lawmen”, ang maximum at minimum cash reward ay hindi dapat lalagpas sa P2 milyon at P1,000 sa bawat matagumpay na operasyon laban sa droga.
“The purity of the confiscated illegal drugs shall be considered in the computation of the reward following the formula: computed reward multiplied by percentage purity of the seized drugs as certified by government forensic laboratories,” pahayag ni Isidro Lapeña PDEA Director-General.
Maliban sa perang pabuya, bibigyan din ng parangal ang mga karapat-dapat na operatiba. Ang programa ay inaprubahan sa pamamagitan ng Dangerous Drugs Board (DDB) Regulation Number 1, Series of 2016 na inilabas noon Agosto 3, 2016 at sinimulang ipatupad sa buwan na ito. (Chito Chavez)