Dahil sa usok na sumingaw sa isang cabin, napilitang bumalik sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Philippine Airlines flight na patungong Japan, 20 minuto matapos mag-take off kahapon, ayon sa aviation officials.
“Apparently there was information that the pilot detected smoke in the cabin. So as part of safety measures, the pilot had to return to the ground,” sabi ni Eric Apolonio, spokesman for the civil aviation authority.
Sakay ng Airbus A340-300 plane ang 222 pasahero at 13 crew na patungo sanang Haneda airport sa Tokyo. Ayon sa PAL, ligtas na naibaba ang lahat ng pasahero na nakatakdang tumuloy sa biyahe sa Japan sakay ng ibang eroplano.
Kasalukuyang pang sinisiyasat ang dahilan ng insidente, pahayag ng PAL. (AFP)