ANNIVERSARY month ngayon ng T.O.P. (Top One Project), boy band ng GMA Artist Center. Binubuo ito nina Adrian Pascual, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Mico Cruz at Miko Manguba. Magkakaroon sila ng anniversary concert on Oct. 28 sa Music Museum.
Billed “T.O.P. in Concert,” guest performers sina Kim Domingo at Aicelle Santos. Beneficiary ang Children’s Charity Ward ng Philippine Orthopedic Hospital.
Earlier this year ay nag-release ang T.O.P. ng kanilang self-titled album. Nominated ito for Duo/Group of the Year and Dance Album of the Year mula sa 8th PMPC (Philippine Movie Press Club) Star Awards for Music.
Thankful ang grupo na isang taon na silang magkakasama at sa kanilang mall tours ay nakikilala na sila. Hindi nila iniisip na eventually ay maghihiwalay sila.
As a group, marami pa raw silang mai-o-offer. Todo ang paghahanda nila sa kanilang forthcoming major concert. Iba’t ibang genre ang kanilang repertoire. Tickets are available at all Ticketworld outlets. Or, mag-log on sa www.ticketworld.com.ph
First love
First love ni Mikee Quintos ang singing, kaya sa taping break ng “Encantadia” ay nakatuwaan niyang mag-video ng kanyang “solo concert” sa stand-by area.
Kinanta niya ang “If I Ain’t Got You” ni Alicia Keys. Umani ito ng 40,800 views nang i-post niya ito sa social media.
Mikee plays Mila sa “Encantadia.” Anak siya nina Amihan (Kylie Padilla) at Ybarro (Ruru Madrid). Sabik na si Mila makita at makilala ang tunay niyang ina.
Tutulungan siya ni Lakan (Alden Richards) makarating sa mundo ng Encantadia, kasama si Danaya (Sanya Lopez).
Noong nakausap naming si Louie Pedroso sa presscon ng “T.O.P. in Concert,” sinabi niyang one year na niyang nililigawan si Mikee. Magkakilala na sila bago pa nag-artista si Mikee. Dating stage pa sila, pero hindi niya minamadali si Mikee na sagutin na siya. Joke ng press, baka hindi siya type?
Birthday celebration
Eighty-three years old na sana si German Moreno sa Oct. 4 kung hindi siya namatay noong Jan. 8 this year. May birthday celebration pa ring inihanda ang anak niyang si Federico at pamangkin niyang si John Nite. Gaganapin ito sa Promenade, Greenhills. May 6 p.m. Mass, kasunod ang dinner para sa pamilya, kamag-anak, close friends at mga dating kasamahan sa showbiz ni Kuya Germs.
Huling birthday celebration niya ay ginanap sa Sampaguita Events Place last year. Sobrang saya noon ng Master Showman at kinantahan pa siya ng kanyang mga apo.