Umalis na sa Philippine Area of Responsibility si typhoon “Igme” na may international name na “Chaba” kahapon.
Binabantayan naman ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration ang isang low-pressure area sa silangan ng bansa na maaring ma-ging isang ganap na bagyo.
Sinabi ni weather forecaster Jun Galang na iniwan ni Igme ang PAR bandang 3 p.m. kahapon.
Samantala, magiging partly cloudy sa umaga na magiging maulap sa hapon na may isolated rain showers and thunderstorms ang bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.
Affected ang Southern Luzon, Bicol region, at Visayas ng intertropical convergence zone na magdadala ng pagulan.
Ang LPA ay namataan ng PAGASA sa layong 1,990 kilometers east of Luzon o nasa Pacific Ocean kahapon ng tanghali.
Inaasahang papasok ng bansa bilang isang tropical depression bukas o sa Thursday. Papangalanan ang bagyo na “Julian” pagpasok nito sa Pilipinas. (Ellalyn B. de Vera)