Tatangap ng P100,000 cash gift mula sa Manila City government ang 13 centenarians na naninirahan sa lungsod bilang bahagi ng pagdiriwang ng Elderly Filipino Week.
Ipinahayag kahapon ni Manila Mayor Joseph Estrada na ang 13 centenarians, o mga residente na edad 100 pataas, na nakatira sa lungsod ay makakatanggap cash gift bilang “simple token” sa kanila ng pamahalaang lungsod.
“Living to a hundred years old, about three decades past the life expectancy, is extremely rare today,” sabi ng Manila mayor.
Aniya, base sa report ng World Health Organization (WHO), ang life expectancy sa Pilipinas ay 65.4 sa mga lalaki at 72.5 sa mga babae.
Ang 13 centenarians, ayon kay Estrada, ay pangalawang batch ng 100-year-old Manileños na makakatanggap ng cash gift. Noong nakaraang Abril, 17 centenarians ang nabigyan ng P100,000 cash gift. (Betheena Kae Unite)