KAHIT na hindi pa nagkakaroon ng theatrical release sa Pilipinas ang launching film ni Nathalie Hart na “Siphayo,” nanalo na siya ng best actress award para rito mula sa International Film Festival Manhattan (IFFM) in New York City nitong nakaraang Oct. 20.
Masayang binalita ng upcoming sexy actress sa kanyang social media accounts na Facebook at Instagram ang kanyang pagkapanalo.
Ayon kay Nathalie, feeling niya ay Pasko na dahil nanalo na siya ng kanyang first best actress award mula sa isang international film festival.
“It feels like Christmas because I won best actress at Manhattan festival. Woot woot for Filipinos and our movie ‘Siphayo’,” pag-post pa niya.
Ginagampanan ni Nathalie sa “Siphayo” ang role ng isang daring nurse na sinira ang isang maayos na pamilya dahil sa pag-akit niya sa mag-aamang ginagampanan nila Allan Paule, Luis Alandy at Joem Bascon.
Inamin ni Nathalie na hindi madali ang unang paggawa niya ng sexy movie kung saan kinailangan niyang magkaroon ng frontal nudity.
“Nu’ng sinabi sa akin ni direk Joel Lamangan na frontal nudity ang kailangan niya sa akin, kabadong-kabado po ako.
“Pero after reading the script, hindi na ako nagdalawang-isip.
“I was shocked by the role, but I was very excited. It’s really a role of a lifetime.
“As Alice, I’m complex, manipulative, very sexy and unpredictable.”
Si Nathalie Hart ay ang dating si Princess Snell at produkto siya ng reality-artista search na “StarStruck 5” kung saan ka-batch niya sina Rocco Nacino, Sef Cadayona, Enzo Pineda at ang mga nanalong sina Steven Silva at Sarah Lahbati.
Ang “Siphayo” ay isa sa six Filipino feature films na tampok sa IFFM ngayong taon. Ang naturang festival ay sine-celebrate ang diversity of independent cinema from all over the world.
Ang iba pang Pinoy films sa IFFM ay “Gemini” ni Ato Bautista, “Magtanggol” ni Seigfried Barros-Sanchez, “Filemon Mamon” ni Will Fredo at “Ignacio de Loyola” ni Paul Dy. (Ruel J. Mendoza)