WALA raw awkwardness na naramdaman si Jasmine Curtis-Smith nang gawin niya ang kissing scene with Louise de los Reyes sa lesbian-themed movie na “Baka Bukas,” sa ilalim ng direksyon ni Samantha Lee. Isa ito sa pitong entries sa Narrative Feature Category ng Cinema One Originals Festival 2016 na mapapanood mula Nobyembre 14 hanggang Nobyembre 22. Gaganapin ang screenings sa Trinoma, Glorietta, Gateway, Greenhills at Cinematheque.
Paliwanag ni Jasmine, “I think what helped a lot is from the very first day, nag-uusap na kami ni Louise. It’s very important na pag alam mo na may ganung kailangan na eksena from you, as an actor, ikaw na ang may responsibility na gawing kumportable yun for you. The most you can do is talk to your director. Pero yung mismong acting na, sa iyo na yun e. So, ang ginawa ko was… I would talk to Louise all the time, nagpapakuwento ako sa kanya. Likewise, kinukuwentuhan ko rin siya ng kung ano-anong bagay. Naghahanap ako ng common ground namin all the time, para pagdating sa time na kailangan na nga iyon na may tension, hindi siya awkward.”
Hindi rin isyu sa TV5 actress kahit na magkaiba sila ng network ni Louise na isa namang GMA talent. Hindi raw dahilan ito para hindi sila makapatrabaho nang maayos. “As for getting along with Louise, wala naman sigurong kinalaman kung saang network ka. It was normal. I was getting to know another new co-actor. We got along well. She’s a very easy person to talk to.”
Samantala, hindi naman nag-aalala si Jasmine na baka maapektuhan ang kanyang endorsements dahil sa pagtanggap niya sa role ng tomboy at pagkakaroon ng kissing scene sa kapwa babae. “This shouldn’t be an issue at all. If people of the straight kind can do torrid kissing scenes at what hour on primetime TV, why can’t we make a film with one simple kiss? Yun lang. So, there shouldn’t be anything to be afraid of, there shouldn’t be anything to be ashamed of, or to even consider when it comes to endorsements. Because this is just another film about two people who fall in love. Ang difference lang naman is that we’re lesbians. We’re still people, di ba?”
Posible kayang tumanggap ulit siya ng ganitong role at project sa future? “Well, if it’s a nice story, it doesn’t matter what your role is as long as you play an important and an essential role. I think that’s what matters most.
And in every story naman, I don’t think the writer or director will include the character that is not essential for the plot or a necessity in the entirety of the movie, di ba? So, for me, it’s all about how well written it is rather than ano bang kailangan sa role na yun. Kasi yung part na yun, hindi na sa akin yun, sa manager na yun, sa director, sila-sila na yung nag-uusap.” (GLEN P. SIBONGA)