Ipinagutos kahapon ni Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre II sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte sa loob ng kanyang selda sa Leyte sub-provincial jail sa Baybay City kamakalawa.
Sinabi ni Aguirre na ang NBI probe ay magiging kapantay ng imbestigasyon ng Philippine National Police “to avoid any suspicion of whitewash.”
Idinagdag ni Aguirre na kinailangang imbestigahan ng NBI ang insidente dahil dawit dito ang PNP Criminal Investigation and Detection Group.
Ayon kay Aguirre, maraming “suspicious circumstances” bago namatay si Espinosa ang kailangang imbestigahan. “There are many suspicious circumstances. We need to find out the truth.” (Rey G. Panaligan)