Inaasahan ng traffic at transport officials na magiging maayos ang pagtatayo ng dalawang bus terminals na naglalayong ma-decongest ang traffic sa Metro Manila.
Ipinahayag nila ito matapos magsagawa ng inspeksion sa mga lugar na sakop ng itatayong Integrated Transport System (ITS) sa Metro Manila.
Binisita ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) officials ang Southwest Provincial Terminal sa coastal road ng Parañaque City, na kasalukuyang itinatayo ng Megawide Construction Corporation.
“The representatives of Megawide committed to finish the terminal in eighteen months,” pahayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) officer-in-charge Thomas Orbos.
Layunin ng pagtatayo ng terminal magbigay daan sa tuloy-tuloy na paglipat-lipat ng mga pasahero sa iba’t ibang mode ng transportasyon.
Nagpunta rin ang miyembro ng I-ACT sa FTI Complex, kung saan itatayo ng Ayala Land, Inc. ang South Terminal na magiging himpilan ng mga bus at pasahero mula Laguna at Batangas.
“The purpose of the on-site inspection and meeting with the contractors is to ensure the viability and accessibility of the project locations and reiterate the requirement of the governments for the said terminals,” pahayag ni Orbos. (Anna Liza Villas-Alavaren)