FORMER child actor Renz Valerio just turned 18 at handa na siya sa mas mabibigat na roles sa TV at pelikula.
Gumaganap siya ngayon bilang best friend ni Kristoffer Martin sa GMA afternoon prime teleseryeng “Hahamakin ang Lahat.
First time niyang nakatrabaho si Kristoffer sa isang teleserye, pero matagal na raw niyang napapansin ang husay nito sa pag-arte.
Kaya isa si Renz sa unang nag-congratulate kay Kristoffer noong manalo ito ng acting award kamakailan.
“Kaya sa tingin ko po kailangang mag-step up din ako ng acting at maturity.
“Kasi po best actor na si Kuya Kristoffer so kailangan maka-cope din ako doon sa level of acting niya.
“May ibang lalim kasi ang pag-arte ni Kuya Kristoffer. Iba ang hugot niya.
“As the show goes on, mas makikilala ko ’yung pagkatao ni Kuya Kristoffer.
“Mas makikilala ko siya, hindi lang bilang isang kuya, bilang tao talaga,” pahayag pa ni Renz.
Dream din ni Renz na manalo ng best actor award balang araw.
“Noong child actor pa lang po ako, nagkaroon na ako ng mga acting nomination both sa TV and movies.
“Wish kong manalo ng best actor award tulad ni Kuya Kristoffer.
“Kaya pursigido po ako na husayan ang pag-arte ko at makaganap naman ako sa mga kakaibang roles.
“Gusto ko rin pong gumawa ulit ng mga indie films.
“Sa age ko ngayon, I want to experiment doing indie films. Maraming roles diyan na pakiramdam ko ay kaya kong gawin.
Unang nakilala si Renz bilang batang Dingdong Dantes sa telefantasyang “Atlantika.” At naging batang Richard Gutierrez din siya sa “Sugo.” Nagbida na rin ito sa isang QTV 11 teleseryeng “Noel”.
Kabilang sa mga nagawa na niyang teleserye ay “Muli,” “My Only Love,” “Kamandag,” “Joaquin Bordado,” “Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang,” “All My Life,” “Darna,” “Sana Ngayong Pasko,” “Diva,” “Ina Kasusuklaman Ba Kita,” “Bantatay, Futbolilits,” “Hiram na Puso,” “Cielo de Angelina,” “Mga Basang Sisiw, Pyra at Nino. (Ruel J. Mendoza)