HINDI nagpainterbyu si Kylie Padilla sa mga dumalaw na entertainment press sa taping ng “Encantadia.” Maybe, umiwas siyang matanong tungkol sa balikan nila ni Aljur Abrenica.
Hindi rin nainterbyu si Rocco Nacino na dumaan at bumati lang sa entertainment writers. Umiwas din kaya siyang matanong tungkol sa Kapuso actress na diumano’y bagong apple of his eye?
Ibinuko ito nina Pancho Magno at Sanya Lopez. Sabi ni Sanya, friend niya ang Kapuso actress. Sorry nalang sa fans nila ni Rocco na inakalang may “something” sila. “Hindi kami. Sweet lang talaga siya. Hindi pa ako prepared makipag-relasyon. Natatakot ako,” ani Sanya.
Naguguluhan
Nakausap namin si Ruru Madrid who plays Ybarro/Ybrahim sa “Encantadia.” Aniya, naguguluhan siya kung sino’ng pipiliin niya kina Amihan (Kylie Padilla) at Alena (Gabbi Garcia). Pareho siyang may anak sa mga ito, si Lira (Mikee Quintos) kay Amihan at si Kahlil (Avery Paraiso) kay Alena.
“Pareho pa silang maganda,” ani Ruru. “Sa Twitter, may mga nagagalit kay Ybarro. Bakit daw tinuhog niya ang magkapatid?”
In real life, si Gabbi ang apple of his eye. Turning 18 ito on Dec. 2, pero sa Dec. 6 ang debut party sa Marriott Hotel. Ani Ruru, pinag-iisipan niya ang surprise gift niya for Gabbi. “Gusto ko, ’yung hindi niya makakalimutan. Ma-gift akong tao, kahit walang okasyon, binibigyan ko siya,” ani Ruru. Nabigyan na niya si Gabbi ng stuff toys, shoes, necklace, bracelet at kung anu-ano pa.
Childhood dream
Bata pa lang siya’y pangarap na niyang magkaroon ng debut party, ayon kay Gabbi Garcia. Aniya, once in a lifetime lang ’yun sa isang dalaga. “Yung pagta-travel, anytime na gustuhin ko, pwede.”
High fashion na minimal ang theme ng kanyang debut party. Ang kanyang lolo ang first dance niya, last dance ang kanyang daddy. Kasama naman si Ruru sa 18 roses.
Sasagutin na ba niya si Ruru? “Matagal pa ang ipaghihintay niya,” ani Gabbi. “Basta, komportable ako kapag kasama ko siya. Love siya ng family ko. Marespeto siya.”
Gusto ba niyang si Ruru ang maging first boyfriend niya? “Oo naman. Kaya lang natatakot ako,” she said.
Dahil kaya magkaiba sila ng religion? Catholic siya, Iglesia ni Cristo si Ruru. Mukhang ’yun ang magiging sagabal not unless, may isa sa kanila ang willing magpa-convert. “Sagradong Katoliko ang pamilya namin,” sabi ni Gabbi. Sayang at hindi namin naitanong kay Ruru kung willing ba siyang magpa-convert sa Katoliko. Next time.