LUMABAS na ang numbers para sa Pay-Per-View (PPV) buy rates ng naganap na Manny Pacquiao vs Jessie Vargas fight noong nakaraang Nov. 6 sa Las Vegas.
Kahit nanalo si Pacman via unanimous decision, hindi raw ito nakatulong dahil ito na raw ang pinaka-“least watched Pacquiao fight” since 2008.
Ayon sa interview ng Ring TV kay Top Rank head na si Bob Arum, sinabi nitong ang numbers ay “a little over 300 thousand”.
Naikumpara pa ito sa naging laban ni Pacman noon sa boksingerong si David Diaz in 2008 na less-than-impressive ang naging turnout ng PPV numbers.
Hindi raw tulad ng naging laban ni Pacman kay Oscar de la Hoya na umabot sa higit pa sa 400,000.
Pito pa raw sa mga naging laban ni Pacman ay humigit pa sa one million ang numbers.
Prior to the Vargas fight, nasabi ni Arum ang kanyang “off the charts optimistic forecast” na ang laban na ito ni Manny ay magiging “very, very big pay per view numbers.”
Pero dahil sa lack of partnership with HBO na siyang nanguna sa Pay-Per-View sa mga laban noon ni Pacman, para sa laban na ito with Jessie Vargas, ang Top Rank ang siyang nag-shoulder ng promotion ng naturang laban.
Admittedly, nahirapan din daw ang Top Rank sa ginawa nilang promotion dahil hindi nila mapapantayan ang ginawa ng HBO sa ilang laban noon ni Manny.
Ang planned na preview video series na pinangako ng Top Rank ay hindi natupad kaya nagkulang talaga sa promotion ang laban.
Ayon pa sa isang sports analyst: “With the extremely low bar set for this fight and the pre-fight expectations, perhaps 300,000 do not sound so bad. But that low bar and lack of expectation should not hide the obvious fact that, by any reasonable Pacquiao-centric measurement, this fight was a bomb. As expected.” (RUEL J. MENDOZA)