Handang handa na ang Manila at ang 1.7 milyong residente nito sa pinangangambahang “Big One” o ang 7.5 magnitude o mas malakas na lindol na ayon sa mga eksperto ay maaaring magaganap anumang oras sa panahong ito, ayon kay Mayor Joseph Ejercito Estrada.
Sinabi ng alkalde na “80 percent” nang handa ang lungsod matapos ang tatlong taong paghahanda para sa isang malakas na lindol.
Dadag pa niya na ang rescue at emergency units ng Manila ay may sapat na gamit at kakayahan para rumesponde sa naturang kalamidad dahil namuhunan nang todo ang pamahalaang lungsod para sa kinakailangang equipment, machines at mga sasakyan na kaagad na magagamit sakaling maganap ang lindol.
“We should not be caught off guard by super typhoons and other calamities such as earthquakes. We ought to be prepared to avert the loss of lives…millions of lives,” pahayag pa ng mayor.
Bumuo na rin ng community response teams sa bawat barangay na kinabibilangan ng 2,000 volunteers, ayon sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). (Betheena Kae Unite)