Dahil sa kagagawan ng ibang nagpapakilalang pambansang manlalaro at miyembro ng national sports associations ay nabigong makakuha ng visa at hindi nabigyan ng pagkakataon na makalahok sa prestihiyosong Women’s Chess Circuit ang women chess grandmaster ng bansa na si Janelle Mae Frayna.
Ito ang napag-alaman kay National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director at GM Jayson Gonzales matapos na hilingin sa embahada ng US sa bansa na mabigyan ng visa ang bago pa lamang kakahirang na WGM para makalahok sa Women’s Chess Circuit.
“We were so saddened with this fiasco,” sabi ni Gonzales na nakausap pa ang consul ng Amerika. “Maybe someone went to US but did not come back, worst is that he or they used the chess federation and we were affected by this kind of treatment,” paghihimutok ni Gonzales. (Angie Oredo)