“PRESSCON pa lang, box-office na,” bungad ni Vic Sotto sa grand presscon ng “Enteng Kabisote 10: The Abangers.”
Laglag sa 2016 Metro Manila Film Festival ang kanyang pelikula kaya first time siyang magkakaroon ng pre-Christmas offering. Showing nationwide ang “EK10: The Abangers” on Nov. 30.
Lungkot at panghihinayang ang nararamdaman ni Vic at aniya, masama ang loob niya para sa mga bata. “Pag Pasko kasi, nag-aabang ang mga bata at buong pamilya ng pelikulang pambata,” ani Vic.
Sana raw ay nirespeto ng MMFF screening committee ang panlasa ng mga Pinoy sa mga pelikulang gustong panoorin kapag Kapaskuhan.
Ani Vic, blessing in disguise na rin na mauunang ipalabas ang “EK10: The Abangers.” Pre-Christmas treat ito.
Hopefully, ma-extend sa provincial theaters. Sa pagkaalam niya, limited sa Metro Manila ang pagpapalabas ng eight MMFF official entries. Rated GP (General Patronage) ang “EK10: The Abangers.”
Inspirasyon
Four years ago ang huling series ng “Enteng Kabisote.” Ayon kay Vic Sotto, the late Action King, Fernando Poe, Jr. ang naging inspirasyon niya para gumawa ng EK series.
Nagkita sila sa isang gathering at nabanggit sa kanya ni FPJ na huling “Panday” series na ang ginawa nito. Kailangan daw na may pambatang pelikula kapag Pasko.
Parating inaabangan ang “Panday” movies ni FPJ sa MMFF na consistent sa pagiging top grosser.
Unang napanood sa TV in 1991 ang “Okay Ka, Fairy Ko” na Enteng ang pangalan ni Vic. Aniya, first venture niya ’yun bilang TV producer (M-Zet Productions). Si Alice Dixson ang unang gumanap bilang Faye. Napalapit sa puso ni Vic ang pangalang Enteng hanggang isapelikula nila ang OKFK at maging series. Nag-iba-iba na ang gumanap bilang Faye.
Sino naman ang gumanap na Faye sa “EK10: The Abangers?” “Secret!” ani Vic. Hindi kaya ang present wife niya ngayong si Pauleen Luna na may special participation sa movie? Abangers (abangan) nalang!
First time
Dahil hindi ngarag sa pagpo-promote ng “EK10: The Abangers,” first comfortable Christmas niya ito, ayon kay Vic Sotto. First time siyang hindi sasakay sa festival float para sa Parade of Stars.
First Christmas din ni Vic na may asawa siyang muli, si Pauleen Luna. Aniya, masaya siya na meron uli siyang partner sa buhay. May mag-aasikaso na sa kanya at sa Christmas gifts na ipamimigay nila para sa kanyang loved ones (children, grandchildren, and siblings).
Ani Vic, never siyang nag-out-of the country kapag Christmas. “The best Christmas pa rin in the Philippines,” he said.