Pinapurihan kahapon ni Senator Cynthia A. Villar ang plano ng Commission on Education (CHED) na magbukas ng three-year degree program sa agrikultura para mahikayat ang mga anak ng farmers na magsaka.
Bilang chairwoman ng Senate environment and natural resources committee, sinabi ni Villar na ikinasiya niya ang pahayag ng CHED chief ng Research Management Division na si Custer Deocaris na may planong magbukas ng three-year degree program para mahimok ang mga Pilipinong kabataan sa pagsasaka.
Nagsagawa rin ang CHED ng national extension conference sa higher education upang hikayatin ang paaralan na gumawa ng extension projects para ilapit ang mga guro at scientists sa komunidad.
“Our farmers are 50 years old on the average, thus the need to nourish interest of the youth on farming. We see this as a serious concern and appreciated that CHED is introducing this degree program and exercising its extension services for the benefit of farmers and fisherfolks,” pahayag ni Villar, Senate agriculture committee vice chairwoman.
Sa ilalim ng panukala, sinabi ni Deocaris na tuturuan muna ang mga mag-aaral ng farming-related theories. Ang pangalawang taon ay gagawin sa bukid bilang bahagi ng kanilang on-the-job (OJT) training.
Sa pangatlong taon, gagawa ang mga mag-aaral ng kanilang research o thesis na naka-focus sa agricultural entrepreneurship. (Mario B. Casayuran)