Iniutos ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang paglalagay sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) ang kanyang mga kasamahan sa fraternity na umano’y sangkot sa P50 milyong panunuhol ng Macau-based casino tycoon na si Jack Lam.
“This is to ensure that every person of interest in the on-going investigations being conducted by the Bureau of Immigration (BI), the National Bureau of Investigation (NBI) and the National Prosecution Service (NPS) will be readily available to present their side of the story,” paliwanag ni Aguirre.
Nilagdaan na ng kalihim ang kanyang kautusan na naglalagay sa ILBO ng ka-miyembro niya sa Lex Talionis Fraternitas na sina BI deputy commissioners Al Argosino and Michael Robles.
Kasama rin sa ILBO ang sinibak na BI intelligence chief retired Police Director Charles Calima Jr., at retired Police Chief Superintendent Wally Sombrero na umanoy tumanggap ng P50 milyon mula kay Lam.
Pati na rin ang mga interpreter ni Lam na sina Norman Ng at Alexancer Yu ay isinama sa ILBO. “We will get to the bottom of this.
As I have said before, NO STONES UNTURNED, NO SACRED COWS in our on-going War against Corruption in the government,” pagdidiin ni Aguirre.
“We will begin waging this relentless pursuit of corrupt personnel in our own backyard i.e. in the DoJ Family,” dagdag pa niya.
Inirekominda na ni Aguirre kay President Duterte ang pagsibak kina Argosino at Robles na parehong nag-file ng 30-day leave na nagsimula noon December 12.
Si Calima naman ay inalis ni Aguirre sa kanyang puwesto noon pang December 13. “Let this be a warning to all. If you are corrupt, we will go after you!,” babala ni Aguirre. (Jeffrey G. Damicog)