KALILIPAT lang ni Enzo Pineda sa ABS-CBN, agad may projects siya. Kasama siya sa teleseryeng “Till I Met You” nina Nadine Lustre at James Reid.
Sa pelikula, isinama si Enzo sa “Extra Service” ng Star Cinema at Skylight Films (movie arms ng ABS-CBN). Thankful ang dating Kapuso star na agad siyang may trabaho ngayong Kapamilya star na siya.
“Medyo nag-a-adjust pa ako. Exciting working with a new network. Everything is new, may co-workers, directors, environment,” ani Enzo.
Isang pipi ang role niya sa “Extra Service,” kaya wala siyang masyadong preparations. Nag-enjoy siyang katrabaho ang cast at director nilang si Chris Martinez. “They’re easy to work with,” said Enzo.
Kasama niya sa “Extra Service” sina Vin Abrenica, Ejay Falcon, Arci Munoz, Jessy Mendiola at Coleen Garcia. Showing ito on Jan. 11, 2017.
Cool Babe
Sa Spain magpa-Pasko si Coleen Garcia with her family and Billy Crawford. Ani Coleen, libre niya ’yun kay Billy.
Taga-Spain ang pamilya ni Coleen at gusto niyang makasamang mag-celebrate ang ibang relatives nila roon. Para na rin ipakilala niya sa mga ito si Billy.
Sa January na ang balik ni Coleen sa Pilipinas, timing sa showing ng “Extra Service.”
About Billy and former PBB housemate Dawn Chang na diumano’y bagong babae sa buhay ni Billy, cool lang si Coleen.
Secure siya sa kanyang boyfriend. Walang dahilan para magselos o pagdudahan niya ang pagmamahal sa kanya ni Billy.
Very supportive si Billy kay Coleen at ipino-promote niya sa social media ang “Extra Service” na panoorin ito.
Pareho sila ng BFF niyang si Luis Manzano na super in love naman kay Jessy Mendiola na kasama ni Coleen sa “Extra Service.” Supportive boyfriend din si Luis sa kanyang girlfriend.
Sinulot?
Hindi isyu kay Irma Adlawan kung second choice siya at ipinalit kay Nora Aunor sa “Oro.” Isang matapang na barangay captain ang role niya.
Walang kinalaman si Irma kung bakit tinanggal ang superstar sa naturang MMFF entry. Hindi niya sinulot ang role kay Guy. Inalok sa kanya ’yun ng producer. Perfect replacement si Irma, ayon sa producer.
Nagngingitngit ang Noranians dahil ginagamit daw ang kanilang idolo sa promotion ng “Oro.” Sumasagot lang ang producer at director kapag tinatanong sila tungkol sa pagkawala ni Guy sa pelikula.
Sana lang, parehong tangkilikin ng moviegoers ang “Oro” at “Kabisera” ni Guy na MMFF entry rin. Ano kaya kung magkalaban for best actress sina Guy at Irma?