Habang halos lahat ay naghahanda para sa holiday break, mas mahabang oras ang ilalagi ng mga traffic enforcers sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila itong darating na Biyernes dahil sa inaaasahang mas mabigat na daloy ng trapiko.
Sinabi ni Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) chief traffic officer Manny Gonzales na magtatalaga sila ng karagdagang 135 traffic enforcers sa Epifanio Delos Santos Ave. (EDSA) para mapagaang ang daloy ng mga sasakyan.
“This is to augment the 500 traffic personnel along Edsa. Their deployment is as early as 5 a.m.,” ani Gonzales.
Naka-standby din ang 36-composite team ng traffic enforcers para rumesponde sa anumang emergency situation. (Anna Liza Villas-Alavaren)