Natagpuan ng isang garbage collector ang isang pitong buwan na fetus na itinapon ng isang 17-taong gulang na ina sa basurahan sa Barangay Holy Spirit, Quezon City, noong Martes ng hapon.
Ayon sa police, ang lalaking fetus ay nakalagay sa isang kahon ng rubber shoes nang matagpuan ng basurerong si Jestoni Catongal sa bulto ng basura sa Don Matias St. dakong 4:30 p.m.
Kaagad na ipinagbigay alam ni Catongal at ng kanyang mga kasamahan sa police ang kanyang natagpuan.
Habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis sa lugar, biglang lumitaw ang isang dalagita at umaming siya ang ina ng sanggol.
Sinabi ng teenager na iniwan niya ang kanyang anak sa basurahan dahil Grade 11 student pa lang siya.
(Vanne Elaine P. Terrazola)