Itinaas sa ranggong heneral si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Eduardo M. Año sa simpleng seremonya sa Camp Aguinaldo, Quezon City, noong isang lingo.
Ayon kay Marine Col. Edgard A. Arevalo, chief ng AFP Public Affairs Office, si Defense Secretary Delfin Lorenzana mismo ang nagsabit ng fourth star kay Año sa seremonyang ginanap sa DND Building Hall of Flags.
Sinabi ni Arevalo na dumalo rin sa aktibidad ang maybahay ni Gen. Año na si Mrs. Jean Joselyn Maria D. Año.
Nataggap ni Año ang promotion halos isang buwan matapos niyang umupo bilang 48th AFP Chief of Staff.
Si Año ang pumalit kay General Ricardo Visaya na nagretiro sa military service noong December 7, 2016, matapos ang mahigit limang buwan na pagsisilbi bilang pinakamataas na opisyal ng AFP. (Francis T. Wakefield)