Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority kahapon hindi pagagandahin ang metropolis para lamang maitago ang tunay na kalagayan nito sa mga kandidata at dayuhang dadalo sa gaganaping Miss Universe pageant sa bansa.
Ayon kay Tim Orbos, MMDA officer-in-charge, ang hakbang ay naaayon sa kautusan ni President Duterte na siguraduhin na ang pagganap ng Miss Universe 2017 pageant sa bansa ay hindi makakaistorbo sa araw-araw na gawain ng mga Pilipino.
“The President’s statement not to hide the reality of poverty is laudable compared in the past where street dwellers and beggars were hidden,” sabi ni Orbos, sabay pagdidiin na walang dapat ikahiya sa kalagayan ng bansa.
Sabi pa niya na patuloy na gagawin ng MMDA ang regular na paglilinis sa mga pangunahing daanan ngunit walang mangyayaring coverup.
Dagdag pa niya na walang daang isasara dahil nag desisyon na ang Department of Transportation na lilimitahan ang activities sa loob at palibot ng metropolis. (Anna Liza Villas-Alavaren)