BLESSING para sa celebrity couple na sina Drew Arellano at Iya Villania ang pagdating sa kanilang buhay ng panganay nilang anak na si baby Primo. Pero kahit nag-e-enjoy pa sila sa pag-aalaga sa una nilang baby ay handa na rin daw silang magkaroon ng second baby.
“Sundan na, sundan na ito,” sabi ni Drew nang matanong namin kung kailan nila balak sundan si Primo.
Ayon naman kay Iya, “Tignan natin this year, naka-recover na naman ako. Kung ako ang tatanungin mo nung ilang oras pagkatapos ko manganak, siguro sasabihin ko mga after five years. Pero ngayong naka-recover na ako, pwede nang sundan.”
Boy o girl ba ang gusto nilang maging susunod na baby? “Girl sana. But kahit ano we’ll be happy,” ani Iya.
Ilang anak ba ang gusto nila? “Happy na kami sa dalawa if ever. Pero feeling ko kung sakali maging lalaki yung sunod, baka susubok pa kami, baka umabot sa three. Tingnan natin.”
Samantala, habang wala pang kasunod si Primo, magiging busy muna sina Drew at Iya sa isa nilang “baby,” ang “People vs. The Stars,” ang bagong game show nila sa GMA-7 kung saan silang mag-asawa ang hosts.
Ano ang pakiramdam na magkasama sila sa isang show? “Well, it’s exciting kasi hindi lang sa bahay kami magkasama kundi pati rin sa trabaho. So, sobrang exciting. And the concept of the show, ang galing e, so all the more that we’re gonna have fun in the show,” sabi ni Iya.
Dagdag pa ni Drew, “Excited ako kasi iba itong show na ito for us kasi more enjoyable and light environment. Dito mas makikita nila kung sino kami inside our house, ganun lang talaga.”
Dahil pareho silang magaling na hosts, hindi ba sila nagkakasapawan? “Natural lang naman. Hindi naman kami
nagsasapawan. I guess, whether or not you’re husband and wife, I think it’s really something you need to learn to do to be a good host or to be a good co-host and to learn to complement each other,” ani Iya.
Tampok sa pilot episode ng “People vs. The Stars” bilang star contestants ang magkakabarkadang sina Alden Richards, Kristoffer Martin at Derrick Monasterio. Mapapanood ang “People vs. The Stars” tuwing Linggo, 5-6 p.m., sa GMA simula sa Jan. 15. (GLEN P. SIBONGA)