Muling ibabalik ang crackdown laban sa illegal billboards at advertising ads na walang permiso mula sa local government units at lumalabag sa National Building Code (NBC), ayon sa isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sinabi ni Tim Orbos, MMDA officer in charge, na pangungunahan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagpapatupad ng National Building Code (NBC) at magtatakda ng regulasyon sa pagbibigay ng permits para sa paglalagay ng billboards sa mga pangunahing daanan.
“When they (billboard operators) failed to get clearances from DPWH, they go to MMDA, or LGUs. When their ads get dismantled by LGU, they would go to court and say the mandate is either with MMDA or DPWH. There is a grey area. So might as well give it back to DPWH. After all, we’re not equipped, I don’t have the personnel to do this,” ani Orbos.
Ayon pa kay Orbos, nagkasundo na sila ni DPWH Secretary Mark Villar na ibalik sa DPWH ang pagpapatupad ng patakaran sa paglalagay ng billboards at advertising signs sa major roads sa metropolis. (Anna Liza Villas-Alavaren)