Nanawagan kahapon ang isang anti-smoking group kay President Duterte na pangunahan din ang paglaban sa smoking addiction sa pamamagitan ng paglagda sa isang executive order (EO) na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
“First-time smokers turn into chain smokers because tobacco is addictive. Nearly 17.3 million Filipinos are currently addicted to smoking already,” ayon kay New Vois Association of the Philippines (NVAP) president Emer Rojas.
“It is imperative for Duterte to also take strides in stopping more and more Filipinos from getting addicted to smoking cigarettes, sabi ni Rojas.
“Such addiction must also be curbed by the government in a similar way that it endeavors to stop the drug menace,” dagdag pa Rojas.
Sinabi niya na katulad ng illegal drugs, ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng karamdaman sa puso, paghinga, atay at iba pa. Ang ilan pang sakit na nakukuha sa paninigarilyo ay lung cancer, heart ailments, diabetes, erectile dysfunction, tuberculosis, at stroke.
“We really need to stop the premature death of Filipinos due to tobacco addiction. Like any other addiction, this must be reduced or totally prevented,” pagdidiin ni Rojas. (Charina Clarisse L. Echaluce)