TANGGAP na ng aktor na si Jake Cuenca na hindi talaga sila para sa isa’t isa ng kanyang ex-girlfriend na isang American model na nagngangalang Sara Grace Kelly.
Kahit na nagkaroon sila ng balikan noong nakaraang taon, muli silang naghiwalay dahil iba na raw ang feeling nila para sa isa’t isa.
“We tried getting back with one another last year. Pero parang iba na, eh.
“The feeling wasn’t the same.
“Yung sinasabi nilang love is lovelier the second time around, parang hindi nag-work sa aming dalawa.
“I think, we’re okay na hiwalay na lang kami.
“She’s in the States right now, ako nandito, so hindi rin posible.
“Pero nagbatian naman kami noong Christmas and New Year.
“We’re still friends naman.
“Hanggang doon na lang siguro iyon kasi hindi na naging successful ’yung balikan namin last year,” diin pa ni Jake.
Ngayong taon, wala munang balak makipagrelasyon si Jake at trabaho ang haharapin niya. Bukod sa pelikula, may bago pa siyang teleserye sa ABS-CBN 2.
Pero tinanong ang aktor kung ang leading lady ba niya sa pelikulang “Foolish Love” ng Regal Entertainment na si Angeline Quinto ay papasa sa panlasa niya?
Ang mga huling naging karelasyon kasi ni Jake ay foreigners.
“I’ll tell you the truth, medyo malayo si Angeline sa mga nakasanayan kong babae.
“Nakikita ko kung ano ang espesyal sa kanya. Nakikita ko na napaka-espesyal ng spirituality niya.
“Tulad ng ikinuwento niya sa Black Nazarene, nakikita ko na nakakagulat ’yung beauty ng pagiging traditional, and I can see that happening to me.
“Pero right now, like I’ve said, walang showbiz-an, walang plastikan, I’m not having a girlfriend anytime soon, that’s the truth.
“Nandoon ako sa punto ng buhay ko ngayon where I’m rebuilding, parang re-changing a lot of things sa buhay ko,” pagtapos pa ni Jake Cuenca. (Ruel J. Mendoza)