Tatlumpung katao ang nasugatan nang magsalpukan ang dalawang bus ng Partas at Maria de Leon sa Barangay Barangobong, Santa Lucia, Ilocos Sur noong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay Chief Insp. William Nerona, spokesman ng Ilocos Sur police, papuntang Laoag City ang Partas bus nang mawalan umano ng control ang driver at sumalpok sa paparating na Maria de Leon na biyaheng Manila.
Nasugatan ang driver ng Partas at kanyang 10 pasahero samantalang nasugatan din ang driver ng Maria de Leon at 18 pasahero nito. (Freddie G. Lazaro)