NAGLABAS na ng official statement ang management company ni Kylie Padilla hinggil sa pregnancy issue about her.
“The Vidanes Celebrity Marketing would like to announce to the great public the engagement of Ms. Kylie Padilla and Mr. Aljur Abrenica.”
Wala mang diretsang kumpirmasyon na three months pregnant si Kylie, parang ganu’n na rin ang mensahe ng management company ng “Encantadia” star. Otherwise, bakit may announcement ng kanilang engagement?
Post naman ni Kylie sa social media: I know these past days have been rough but I can’t wait for the day people get to know you like I know you. Can’t wait to share how it happened. I’m just happy I am sharing it with you.”
Kylie turned 24 years old on Jan. 25. Balitang aalis siya patungong Australia para doon manganak. Pinatay na ang karakter niya bilang Amihan sa “Encantadia.”
Hinihintay pa rin ang reaction ni Robin Padilla sa kundisyon ni Kylie na engaged na kay Aljur. Alin kaya ang mauuna, ang panganganak ni Kylie o ang pagpapakasal nila ni Aljur?
Lolo na
Magiging lolo na si Robin Padilla na may two-month old baby sa asawa niyang si Mariel Rodriguez. By July or August this year, manganganak si Kylie Padilla sa first child nila ni Aljur Abrenica.
Months lang ang pagitan ng edad ng anak nina Robin at Mariel sa magiging baby nina Kylie at Aljur.
Narito na sa Pilipinas sina Mariel at Baby Isabella, kaya sobrang tuwa ni Robin na kapiling na niya ang kanyang mag-ina. Pinaghahandaan na nila ang binyag (o dedication) ng kanilang baby. Isa si Vina Morales sa mga ninang. Hindi isyu kay Mariel kung maging mag-kumare sila ng ex-girlfriend ni Robin.
Ginaya
’Kaaliw ang panggagaya ng magkapatid na Jak Roberto at Sanya Lopez sa magkapatid na Bunak at Bilog. Nag-viral ang “Nu’ng Ako’y Bata Pa” video ng mga ito na nag-aaway sa harap ng kamera.
Gumawa rin ng sariling version nila sina Jak at Sanya at ginaya nila ang mga batang magkapatid. Natuwa ang netizens dahil kita nila ang sobrang closeness nina Jak at Sanya.
Post ni Jak sa social media, sobrang affected si Sanya bilang Bunak.“Nu’ng Ako’y Bata Pa #GinalinganniUtol” ang caption ni Jak.
Samantala, painit nang painit ang mga eksena sa “Encantadia” kung saan gumaganap bilang sang’gre Danaya si Sanya. Proud brother si Jak sa positive feedback sa acting ni Sanya.