May matutuklasang bagong power si Tsuperhero… may apoy na lumalabas sa mga daliri niya. Ang payo ni Bok (Miggs Cuaderno), mag praktis muna siya para magamit ang bagong powers niya nang tama.
Samantala, makakaharap ni Sgt. Cruz (Gabby Concepcion) si Chad (Martin del Rosario), ang leader ng mga nagra-rally laban sa polusyon mula sa isang kalapit na pabrika. Muntik nang magkainiitan ng ulo buti na lang napi-gilan ni Julius (Betong Sumaya) ang poging sarhento. Para makakuha ng ebidensya laban sa may-ari ng pabrika, pinasok ni Chad ang opisina kaya lang ang kanyang pag-iimbesitga, nauwi sa disgrasya… nakulong ang kaluluwa ni Chad sa loob ng cellphone.
Sa kasamaang palad, napunta kay Julius ang cellphone na ito kaya si Chad nakapag-hasik ng lagim!
Sa gitna ng kaguluhan, panay ang porma ni Choy (Jemwell Ventenilla) kay Anna (Annalyn Barro). Pero si Anna parang si Nonoy lang ang laman ng isip niya. Kaya lang si Nonoy, haharurot na sa panliligaw kay Eva (Bea Binene). Lalakas pa ang loob niya dahil nagiging close si Eva kay Aling Martha (Alma Moreno)!
Matalo kaya ni Tsuperhero ang kakaibang kalaban niyang si Cellphone Man? Magamit kaya niya ng tama ang bagong superpower niya? Naipagtapat na ni Nonoy ang nararamdaman kay Eva… sagutin naman kaya siya ng dalaga?
Bukas, unli-tawa at unli-kilig ang hatid sa inyo ng nag-iisang Pinoy superhero comedy adventure … TSUPERHERO!