Nangako ang Filipino-Chinese fire volunteers na tutulong sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pamamahala at pag-sasaayos ng trapiko sa metropolis, ayon sa isang opisyal ng ahensiya.
Sinabi ni Celine Pialago, MMDA spokesperson, na tinatayang nasa 300 fire volunteer group members ang nakatakdang sumailalim sa training sa traffic management at pag-aaral ng batas trapiko at mga kaakibat na paglabag bago sila i-deploy.
“Fire volunteer groups’ personnel will be deputized to become force multipliers that will assist in traffic enforcement and management,” sabi ni Pialago.
Ayon sa kanya, itatalaga ang mga fire volunteers mula Biyernes hanggang Linggo sa mga piling lugar sa Metro Manila.
Ang hakbang na ito ay tugon sa panawagan ni MMDA officer-in-charge Tim Orbos sa iba’t ibang volunteer groups na tulungan ang ahensiya na madagdagan ang mga taong magsasaayos ng trapiko sa mga pangunahing daanan sa Metro Manila.
“We have coordinated with the several volunteer groups for the purpose of augmenting our traffic force,” Orbos said. (Anna Liza Villas-Alavaren)