Umapela ang isang alyansa ng indigenous peoples (IP) kay President Duterte na patawan ng pinakamabigat na parusa ang opisyal ng police na nag-utos ng marahas na dispersal ng mga nagpo-protesta sa tapat ng US Embassy noong October 19, 2016.
Nagpahayag ng galit ang Sandugo sa balitang na-promote pa si Senior Superintendent Marcelino Pedrozo bilang deputy chief ng Eastern Police District (EPD) sa halip na sisantihin dahil sa madugong dispersal ng protest rally.
Maraming protesters, sa pangunguna ng mga pinuno ng Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas (Katribu) at Sandugo, paramedics at mga kabataang aktibista ang nasaktan nang pagpapaluin ng mga pulis ng truncheons at sagasaan ng police vehicle ang iba pa.
“We call on to our president to hold accountable Sr. Supt. Marcelino Pedrozo for the brutal dispersal of the protesting Moro and indigenous peoples in October 2016,” pahayag ng Sandugo.
“Instead of being permanently removed from service, he was actually promoted and reassigned like most of the erring members of the Philippine National Police (PNP),” dagdag pa ng grupo. (Chito Chavez)