Si Aljur Abrenica ang original choice ni direk Gil Portes para sa lead role sa “Moonlight Over Baler.” Kaya lang, binigyan ito ng project ng GMA, ang “Kambal Sirena” with Louise delos Reyes. Naging busy sa taping si Aljur, kaya nagpa-audition si direk Gil ng kapalit niya.
Sampung aktor ang nag-audition, pero walang pumasa kay direk Gil. Walang kabalak-balak ang younger brother ni Aljur na si Vin mag-audition. Napilitan lang ito. Ininterbyu at pinakanta. Pasok sa dual role bilang Nestor at Kenji.
Si Aljur ay nakatrabaho na ni direk Gil sa “Hermano Puli,” kaya tinanong siya kung sino sa magkapatid ang mas magaling umarte. Walang diretsang sagot si direk, pero na-gets ng press na mas magaling si Vin. Joke ng huli, ang kanyang kuya Aljur ang paborito ni direk. “Ako ang paborito niyang pagalitan,” ani Vin.
Intended sana sa nakaraang Metro Manila Film Festival ang “Moonlight Over Baler” na ani Vin, disappointed, nasaktan siya noong nalaglag ito. Showing ito on February 8 sa mga sinehan nationwide.
Break na?
Break na nga ba sina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga? ‘Yan ang maugong na showbiz tsika. Sa post ni Daniel sa social media ay may pinagdaraanan sila ni Erich. Humihingi siya ng suporta at respeto.
Sana’y maayos nila kung anuman ang pinagdaraanan nila sa kanilang relasyon. Super sweet pa naman sila sa TV guestings nila noon, lalo na si Erich na kung makapulupot kay Daniel. As if, aagawin ito sa kanya.
Palaisipan
Palaisipan ang sagot ni Robi Domingo sa isang interbyu tungkol sa relasyon nila ni Gretchen Ho. Okey daw sila at masasagot daw niya ‘yun sa mga darating na araw, darating na linggo.
May mga naghinalang break na sila noong nagpagupit ng maikling buhok si Gretchen. Yes or no lang naman ang gustong marinig na sagot kay Robi sa tanong kung break na sila ni Gretchen.
Naguguluhan
Bilang Danaya sa “Encantadia,” naguguluhan si Sanya Lopez kung pagmamahal o pagiging reyna ng Lireo ang pipiliin niya. Nagmamahalan na sila ni Aquil (Rocco Nacino), subalit may batas na bawal sa isang reyna ang magmahal.