Nasawi ang isang 22-taong gulang na lalaki sa sunog na tumupok sa walong bahay sa Quezon City noong Huwebes ng gabi.
Natagpuan ang sunog na bangkay ng biktimang si Jaypee Nillusguin matapos lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Don Primitivo St., in Don Antonio Heights, Barangay Holy Spirit.
Lasing at natutulog umano ang biktima sa kaniyang kuwarto nang sumiklab ang sunog dakong 11:36 p.m., ayon sa Quezon City Fire Department. Mabilis na kumalat ang apoy sa pito pang kabahayan.
Naapula ng mga rumesponding bumbero ang sunog bandang 12:26 a.m. kahapon.
Inaalam pa ng mga imbesitgador ang sanhi ng sunog. (Vanne Elaine Terrazola)