KORONADAL, South Cotabato (PIA) – Bumaba ng 37 porsyento ang bilang ng krimen sa Rehiyon Dose nitong nakalipas na taon base sa tala ng Police Regional Office (PRO) 12.
Ayon kay Regional Operations Plan and Division chief Police Senior Supt. Rolly Octavio, nakapagtala ang PRO 12 ng kabuoang bilang ng index crimes na 8,119 noong 2016, mas mababa kumpara sa naitalang bilang ng krimen noong 2015 na umabot sa 12,999.
Dagdag pa ni Octavio, mula sa kabuoang bilang ng index crimes, 2,935 dito ay crimes against persons samantalang 2,940 naman ay crimes against property.