Sasabak na sa trabaho ang mga deputized traffic enforcers na inaasahang tutugon sa kakulangan sa hanay ng Metropolitan Manila Development Authority ngayong Lunes.
Galing ang mga ito sa Civil Defense Action Group at Pureforce and Rescue Corp. at sila ay itatalaga sa Quezon Ave. sa Quezon City.
Nagpasalamat si MMDA General Manager Tim Orbos sa tulong ng ibinigay ng dalawang grupong pinamumunuan nina Johnny Yu at Jomerito Soliman.
“We welcome this kind of support and commitment from the private sector as we are in dire need of additional manpower,” sinabi ni Tim Orbos, MMDA general manager.
Ang CDAG ay umbrella organization of registered volunteer and rescue units dito sa bansa at accredited ng Office of Civil Defense at Department of National Defense.
Ang Pureforce naman ay isang first responder operations company that integrates computer-aided dispatch and other state of the art incident management technology. (Rizal S. Obanil)