KORONADAL, South Cotabato (PIA) – Hinihikayat ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) 12 ang publiko na tanging ang mga produktong rehistrado ng FDA lamang ang bilhin.
Ito ang inihayag ni Lillian Mationg, food and drug regulation officer II ng FDA 12 gayong marami nang mga pekeng produkto kadalasan ay gamot na ibinibenta sa merkado.
Ani Mationg, nakasasa sa kalusugan ng mga kunsumidores ang paggamit ng mga pekeng produkto.
Kaugnay nito, inihayag niya na pinalalakas ng kanilang tanggapan ang pagmomonitor sa operasyon ng mga manufacturer.
Paalala ni Mationg sa publiko, kapag bumibili ng mga produkto ay siguraduhing nakalagay ang manufacturer’s address, expiration date at LOT o DR number.
Dagdag pa niya, maaaring bisitahin ang kanilang website sa www.fda.gov.ph upang malaman ang mga rehistradong produkto.