Inulat kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang nakakaalarmang bilang ng vehicular accidents na naganap sa metropolis na umabot sa 100,000, o katumbas ng 299 aksidente kada araw, noong isang taon.
Base sa data mula sa Road Crash Statistics Report ng MMDA Metro Manila Accident Recording and Analysis System (MMARAS), may kabuuang 109,322 ang naitalang road accidents mula January hanggang December 2016.
Ang bilang ng traffick accidents noong 2016 ay mas mataas ng 14 percent kumpara sa 95,615 na naitala noong 2015; at mas mataas ng 21 percent kumpara sa 90,258 na nai-report noong taong 2014.
Karamihan sa road crashes ay naganap sa araw — 68,499 o 62.65 percent ng kabuuang bilang ng traffic accidents; habang mas maraming namatay sa mga aksidenteng naganap sa gabi o madaling araw — 40,823 o 37.34 percent.
“Drivers, passengers and pedestrians are advised to be cautious and attentive during these particular hours,” payo ng MMDA.
Ang mga aksidenteng iyon ay nagresulta sa pagkasawi ng 446 katao at pagkasugat ng 20,876 iba pa noong 2016.
(Anna Liza-Alavaren)