ANG digitally restored and re-mastered version ng “Hihintayin Kita Sa Langit” nina Richard Gomez at Dawn Zulueta ay magkakaroon ng invitational premiere sa February 27, Lunes, sa Glorietta 4 Cinema, Makati City.
Kumpirmado na ang pagdalo nina Goma at Dawn, ayon sa head organizer ng ABS-CBN Restoration group na si Leo Katigbak.
Si Richard ay kasalukuyang mayor ng Ormoc City.
Nag-confirm na ang aktor na darating siya sa premiere.
Ang “Hihintayin Kia Sa Langit” ay isang 1991 classic romance-drama movie ng Reyna Films, na dinirek ng award-winning director na si Carlos Siguion-Reyna.
Sa social media, ipinakita ng Goma-Dawn fans at netizens ang kanilang excitement sa pagpapalabas ng digital restoration version ng nasabing movie, after 26 long years.
Hindi maipagkakailang ang nabanggit na pelikula ay masasabing isa sa pinakamatagumpay na Richard-Dawn movies.
Hindi lamang ito naging box office hit, kundi umani rin ito ng maraming karangalan – an estimated total of 16 awards and 22 nominations, mula sa iba’t ibang award-giving bodies.
Kabilang na sa mga awards na nakamit ng pelikula ay Gawad Urian Best Actor for Richard, Best Director for Direk Carlos, at Best Cinematography for Romy Vitug.
Sa oldest award-giving body namang FAMAS Awards nanalo si Dawn bilang Best Actress at si Eric Quizon bilang Best Supporting Actor.
Nasa cast rin ng “Hihintayin Kita Sa Langit” sina Michael de Mesa, Jackielou Blanco, Jose Mari Avellana, Vangie Labalan, at Jomari Yllana bilang batang Richard Gomez.
Isa lamang ang nasabing pelikula sa mga Pinoy classics na mapapanood sa digitally restored version mula March 1 to 7 sa Glorietta at Trinoma Cinemas. (MELL T. NAVARRO)