Dalawang holdaper ang dinakip ng police matapos nilang pagnakawan ang isang Indian ng R11,000 cash sa Taguig City kahapon ng umaga.
Kinilala ni Southern Police District (SPD) spokesperson Supt. Jenny Tecson ang biktima na si Amavir Singh Brar, 39, nakatira sa 26 Dreamland, Signal Village, Taguig City.
Ayon kay Tecson, kaagad na nadakip sa follow-up operation ang mga suspek na sina Leoppel de Dios, 22, at Glenn Resado, 35, kapuwa nakatira sa Purok 7, Tanyag, Taguig City.
Nakakulong ang dalawa sa Taguig Police detention cell. Sinampahan sila ng mga kasong robbery at illegal possession of deadly weapon sa Taguig Prosecutor’s Office. (Jean Fernando)