Sa July manganganak si Kylie Padilla sa baby nila ni Aljur Abrenica. Napag-alaman naming boy ang isisilangni Kylie at Joaquin ang gusto nilang ipangalan. Dahil kaya pangalan ‘yun ng karakter ng kanyang papa Robin Padilla saseryeng ginawa nito sa GMA7, ang “Joaquin Bordado”? Kung tama kami, kasama roon si Kylie.
Napag-alaman din namin na ibabalik ang karakter ni Kylie (Amihan) sa “Encantadia.” Ibang aktres nga lang ang gaganap.
Sa huling labas ni Kylie, kinain niya ang isang mahiwagang prutas mula sa isang puno na magbabalik sa buhay niya para makabalik siya sa Encantadia. Sasanib ang kaluluwa niya sa ibang katawan. Makilala kaya siya ng mag-ama niyang sina Ybarro/Ybrahim (Ruru Madrid) at Lira (Mikee Quintos) sa iba niyang kaanyuan?
Kikay
On-and-off camera ay kikay at mapagbiro si Mikee Quintos. Nagpost siya sa social media na nami-miss niya ang co-“Encantadia” star niyang si Solenn Heussaff.
Nami-miss daw niya ang kakulitan ni Solenn in between takes at ang sexy butt nito. Nagbabakasyon abroad si Solenn kasama ang husband niyang si Nico Bolzico.
Super bonding
Getting to be close friends sina Janine Gutierrez at Lauren Young. Super bonding sila off-camera sa set ng “Legally Blind.” Wala nang ilangan factor between them. Sabay pa silang nanonood ng kanilang serye kapag break time nila sa set. Naipost ni Lauren sa social media ang picture nila ni Janine kasama ang co-stars nila sa “Legally Blind” na sina Mikael Daez, Rodjun Cruz at Marc Abaya.
May mga nag-akala na baka hindi sila maging komportable working with each other dahil pareho nilang naging boyfriend si Elmo Magalona. Naka-move on na sila, kaya hindi nila ito pinag-uusapan. Happy si Lauren sa kanyang non-showbiz boyfriend. Si Janine, nakalimutan ( o kinalimutan) na niya si Elmo. She’s single but not lonely.
Huli na
Agree kami sa sinabi ni Barbie Forteza sa isang interbyu na huli na para kay Kiko Estrada ang pagiging vocal nito sa feelings for her. Sinabi ni Kiko sa isang interbyu na mahal pa rin niya si Barbie.
Matatandaang noong together pa sila, si Barbie ang naging vocal sa nararamdaman niya for Kiko at sa relasyon nila.
Panay ang iwas ni Kiko pag-usapan ang relasyon nila noon.