Hindi pa pala sure kung baby boy ang magiging anak nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Nag-post ang huli sa social media na hindi pa nila alam ang gender ng kanilang baby.
Hindi pa rin daw sila nakakapagdesisyon kung ano’ng ipapangalan nila. Kung anuman ang maging gender ng kanilang baby ay masaya sila basta healthy ito. So, there!
Nagpakatotoo
Buti pa si Kiana Valenciano, walang kiyemeng inamin kay Vice Ganda na officially together na sila ni Sam Concepcion.
Tumango ang dalagang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan nang tanungin siya ni Vice sa “Gandang Gabi Vice” kung “sila” na ba ni Sam.
Akala namin, magpapakiyeme pa si Kiana at sasabihing, “Si Sam na lang ang tanungin mo.” Gano’n ang sinasabi ng ibang celebrities kapag tinatanong sa estado ng kanilang relasyon.
Ang mga paeklay nila, exclusively dating, walang label ang kanilang relasyon.
Sa isang interbyu kay Gary V. ay sinabi niyang boto siya kay Sam for his daughter. Bata pa lang si Sam ay kilala na niya ito. Sinasabi rin noon ng Total Entertainer na si Sam ang nakikita niyang posibleng sumunod sa mga yapak niya.
Promising
Mukha namang promising si Donnie Pangilinan, pinsan ni Kiana Valenciano at anak nina Maricel Laxa at Anthony Pangilinan. Magkasama silang nag-guest sa GGV. Tama si Vice na aniya, Kahit sosyal ang mag-pinsan, hindi sila gan’on kumilos at magsalita. Kahit sa isang international school nag-aaral si Donnie, mahusay siyang magsalita ng tagalog.
Hindi siya conyo na English speaking na pa-impress. Kung talagang magpu-pursue si Donnie sa kanyang showbiz career, chances are, may kalalagyan siya sa entertainment scene.
Donnie is 19 years old at aniya, nagagandahan siya kay Liza Soberano. Mukhang bagay sila. Magkaedad lang sila at parehong matangkad.
Araw-araw napapanood si Donnie bilang VJ sa MYX.
Mauudlot pa
Mukhang mauudlot pa ang reunion movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. How true, nagpapataas daw ng talent fee si Gabby?
Sabi niya noon, walang problema sa kanya kung pagtambalin sila ni Sharon. Gusto niyang makatrabaho muli ang kanyang ex-wife. Kung totoong malaki ang asking price ni Gabby, ituloy pa kaya ng Star Cinema ang movie nila ni Sharon?