Kahit nasa tamang edad na si Dominic Roco, sa bahay pa rin ng kanyang mommy siya umuuwi pati na ang kanyang kakambal na si Felix Roco.
At age 27, puwede na kumuha si Dominic ng sarili niyang condo unit dahil malaki-laki na ang kanyang naiipon. Pero mas pinili raw nila ng kanyang kambal na sa bahay pa rin sila umuwi.
“Wala na kasing makakasama si mommy. Call us mama’s boys, pero okey lang. We’re proud to be with our mom sa bahay.
“Kaming tatlo na lang minsan nasa house at okey naman kami. We’re happy na magkakasama pa rin kami.
“Hindi ko maisip that our mom wil be alone sa bahay,” diin pa ni Dominic.
Nagbago na raw ang lifestyle ni Dominic. Tumigil na siya sa pagpunta sa mga clubs at tumigil na rin ito sa pag-inom.
In short, healthy living na siya ngayon.
“I guess dumarating sa buhay ng isang tao na magsasawa ka na rin. Napagdaanan ko na ang pagiging party boy. Tapos na ako diyan. After work, I just go home, be with my mom and rest.
“I prefer to be in a quiet and safe environment. Mahirap na rin kasi na makita ka sa mga lugar na maraming tao.
People will give you that impression na hindi maganda. Kaya good boy po tayo,” ngiti pa niya.
Bukod sa bagong teleserye na Destined To Be Yours, pinuri ang performance ni Dominic sa pelikulang I’m Drunk, I Love You bilang gay best friend ni Maja Salvador.
Nagulat na lang daw si Dominic sa mga magagandang papuri sa kanya ng mga netizens sa social media.
“I had fun playing the role of Jason in that movie. Hindi ko ini-expect na maraming makaka-relate at magkakagusto sa pagganap ko. Thank you for all the positive reviews!” pagtapos pa ni Dominic Roco. (RUEL J. MENDOZA)