Nagsimula noong February 26 ang two-hour season two premiere ng HBO original series na Halfworlds kunsaan kasama sa cast ang Pinoy indie actor na si Jake Macapagal.
Ginagampanan ni Jake ang role na notorious kingpin named Kaprey na namumuno sa isang misteryosong lugar na kung tawagin ay The Citadel.
Hango sa Pinoy mythical folklore character na “Kapre” ang role ni Jake dahil lagi itong may hawak na tabako. Sinuman ang maligaw sa kanyang lugar ay hindi na makakalabas hanggang wala siyang permiso.
Isa sa mahusay na Pinoy actors natin si Jake Macapagal na lumabas na sa ilang indie films na pinalabas sa ilang international film festivals.
Kabilang sa mga ito ay ang Compound, Aswang, Foster Child, Posas, Metro Manila at Kid Kulafu.
Kinuwento ni Jake kung paano siya nakuha para maging part ng cast ng Halfworlds:
“I met Mike Wiluan of Infinite Studios a couple of years ago, he said he wanted to work with me on a project someday.
“Last year, Erika North of HBO rang me up and asked if I would be interested to join the season 2 of ‘Halfworlds.’
“Both Mike and Erika had seen me in the film Metro Manila, so I said ‘Yes, are you kidding?’
“Needless to say, I am thrilled to be cast and yes, Kapre is based on our local folklore.
“Although in ‘Halfworlds,’ we live amongst the mortals, so we look like them.
“It was comforting to know that I am going to an international production and I’m playing a Filipino – not Vietnamese, or Chinese but Pinoy.”
Katrabaho ni Jake sa dalawang buwang pag-shoot ng series sa Thailand and Indonesia ay isang diverse crew and cast of of Asian actors.
Bukod sa Halfworlds, sisimulan din ni Jake ang isang web series for filmmaker Erik Matti na On The Job: The Series in May 2017. (RUEL J. MENDOZA)